edgeworth
KingDave
 
 
Malapad na daw dapat ang lapad ng aking sulat na minulat pa sa bawat mga sugat na aking natamo, kaya tignan mo ito, nagmimistulang tong ginto, pa-tunayng totoo at respeto dapat dumalo sa daraanan ko, wala na mismong veterano mauuna sa pagtakbo ng karera ko. Malawak aking utak, desperado magpautak, na para bang bayawak na wawasak sa may hawak ng istilo na pahamak, atat na’ko mag alak sa dami kong binalak, pinunasan ko ng bulak ang dugo na umaagos, pagkatapos, unting unti naubos ang utos dahil aking pinaraos. Bagkus ang karamay, magkaliwat’ kanang kamay na nag sisilbing patunay na nabuhay sa hukay ang Mahusay pero tinatamlay, mamamatay kung pasaway ang ulo kung iwagay’way. Malalim ang anim na natalampakan, aapakan lang naman ng kahinaan’t kadiliman kung tamlay ang kaisipan, wag mo na to’ pagisipan, kaya sipagan ang pag likha ng musika, halika at ipakita ang mahika na mismong nang-didikta sa pisika ng industriya na puro pera laban sa bara para sa kultura na malapit mabasura ng mga tao nasisira sa sikat ng liwanag, ang pahayag nila wala silang ambag pero mabigat mga dala nilang bagahe sa kanilang binabyahe Kasukdulan ng panuto, mga taong walang punto, patungo sa lugar na walang dulo, walong-put anim na oras ang binawas na ang rehas ay mahimas, papatodas ang gobas kung sabog ka sa parehas, paano ka tatalas kung tanimay wantosawang oras.
Currently Online
Comments
✪SZY 31 Jan @ 3:30am 
bading amps